Everyday, Every You

Chapter 18



Chapter 18

KASABAY ng paglakas ng hangin sa buong paligid ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Shaun. He looked at me like I just made his heart split into million tiny pieces. His eyes were so confused yet so heartbroken. Parang panandalian siyang nawala sa sarili at hindi niya alam ang gagawin niya.

Kitang-kita ko na nangilid ang luha sa mga mata niya. Na para bang mas nasasaktan siya kaysa sa akin nang dahil sa biglaan kong pakikipaghiwalay sa kanya. Napatalikod siya sa akin para magpunas ng mga luha na papatulo na sana. Mga luhang ayaw niyang lumabas ngayon.

Nang humarap siyang muli, I still saw tears in his eyes. Hindi niya napunasan ang mga luha. O, napunasan niya pero sadyang traydor ang mga luha niya kaya ito ay lumabas ulit.

Parang nang mga oras na `to, gusto ko nang bawiin ang mga sinabi ko. Saka siya yakapin nang mahigpit at sabihing nagbibiro lang ako’t hindi ko siya iiwan. Na habang-buhay akong nasa tabi niya tulad nang gusto niya. Na hindi kami maghihiwalay. Na hindi ko talaga siya iiwan kahit kailan.

Pero hindi ko na maaaring gawin `yon. Lalo lang kaming magkakasakitang dalawa. Mali na napunta kami sa relasyon na `to. Mali na matali kami sa isang relasyon na ako lang ang nagmamahal habang siya, takot lang akong mawala. It was not fair. Ako naman ang masasaktan.

Kailangan ko panindigan ang desisyon ko ngayon. Masakit din sa parte ko `tong gagawin ko. Walang matitira sa akin pero siya, may Mandy pa rin. Kaya kailangan ko `tong gawin. Kailangan kong palayain ang mga sarili namin. Dahil ang paghihiwalay na ito lang ang pinakamagandang choice.

“Chin,” basag ang boses ni Shaun. “Why? Bakit… bakit naman ganito? Don’t do this to me. Don’t do this to us. Nagmamakaawa ako sa `yo. Chin, please,” pagmamakaawa niya.

“Shaun.” Napapikit ako para pigilan ang mga luha ko. “This is for the better—”

“For the better?” hindi niya makapaniwalang tanong. “Tangina, Chin, anong for the better pinagsasabi mo? You’re asking too much! This is not fucking for the better! This is your only choice! This is not my fucking choice, Chin. `Tapos sasabihin mo for the better `to? Fuck that!”

Galit na galit si Shaun. Nasabunutan niya ang buhok niya dahil sa sobrang inis o galit o pighati na nararamdaman niya ngayon. I was leaving him, that was why he was like that. Pakiramdam niya kasi mawawala na ang best friend niya sa kanya. At hindi siya sanay sa ganoon.

“Tell me, Chin,” nagsalita uli siya. “Bakit mo biglaang naisip `to? May nagawa na naman ba akong kinagalit mo? Nasaktan na naman kita? Kasi… kasi kung oo, sabihin mo lang. Willing akong lumuhod sa harap mo. Kahit dito mismo. Kahit sa harap ng maraming tao. Luluhod ako para lang mapatawad mo ako kung nasaktan na naman kita. Huwag lang `yong ganito, Chin. Huwag lang ang hiwalayan. Kasi… kasi, Chin. Hindi ko kaya. Hindi ko `to kaya, eh.”

May tumulo nang luha sa kaliwang mata ni Shaun pero mabilis niya `yong pinunasan.

Tinatanong niya kung may nagawa na naman ba siyang mali. Kung nasaktan na naman ba niya ako. Kahit sabihin ko kung ano ang dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay ay hindi pa rin magbabago ang nasabi niya. He still loved Mandy. Hindi totoong pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin.

Hindi mababago nang paghingi niya ng sorry kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi mawawala ang sakit na nakabalot sa puso ko dahil sa nalaman ko na hindi na siya sigurado sa akin. Sa aming dalawa. Hindi madadaan sa sorry ang lahat ng iyon. Hindi. Hindi kahit kailan.

“Hindi na madadaan sa sorry mo `tong desisyon ko, Shaun. Buo na ang desisyon ko,” paninindigan ko. “Shaun, since the beginning, this relationship wasn’t supposed to get started. Hindi dapat `to nasimulan, eh. Sa libro nagiging successful ang relasyon ng best friend-turned-into lover. Hindi sa totoong buhay. Mas complicated sa totoong buhay. Maraming risks. Maraming mawawala.”

“But we will overcome it, Chin. Lalaban tayo. Kung hindi mo kayang lumaban. Lalaban ako para sa ating dalawa. Hindi palaging sagot ang paghihiwalay, Chin,” sabi niya. “Chin, I’m not a perfect guy. I’m not a perfect boyfriend. But at least, I’m doing my best. I’m doing my best for you. For us. For this relationship. Just to save this. Hindi ganito. Hindi… hindi `yong iiwan mo na lang ako.”

“You did your best and that’s enough, Shaun,” tugon ko. “We have already reached our limit, Shaun. Hindi mo ba nakikita? We are no good. Somewhere in the end, magkakasakitan lang tayo. At tiyak, mas grabe pa rito sa nararanasan natin. Sa nararanasan ko sa pagmamahal ko sa `yo. Shaun, tama na. Magkakasakitan lang kasi tayo lalo. Huwag na nating hintayin na mawala pa ang katiting na mayroon tayo ngayon. We need this break-up just to save our friendship.”

Lies. Alam kong hindi na babalik sa dati ang pagkakaibigan namin pagkatapos naming maghiwalay. Mahirap bumalik sa kung anong meron kayo lalo na’t lumampas na ang trato n’yo sa isa’t isa. Hindi na maibabalik ang mga bagay na nawala na. Kasama na doon ang pagkakaibigan.

“Chin, you’re worth it. These fucking tears. This fucking pain in my chest. This fucking everything. Okay lang `to, Chin. Basta huwag lang ganito. Ayoko, Chin. Ayoko talaga.” Umiling-iling siya.

“Masasanay ka rin, Shaun.”

“Hindi ako masasanay!” napasigaw siya. Napatingin sa amin ang mangilan-ngilang tao sa paligid. “Hindi ako masasanay kung makikipaghiwalay ka sa akin. Sabihin mo nga sa akin. Paano ako masasanay kung buo na ang desisyon ko na pagkatapos nating grumaduate, yayain na kitang magpakasal? Paano ako masasanay kung naisip ko na… kung naisip ko na kung saan tayo magpapakasal. Kung ano-ano ang theme ng kasal natin. Kung gaano… kung gaano kasaya sa araw na `yon. Sabihin mo nga sige. Paano ako masasanay knowing hindi na `yon matutuloy?”

Napahilamos si Shaun ng mukha. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya.

“Putangina, Chinnie, mahal na mahal kita. `Tapos ganito ang ginagawa mo sa akin. Iiwan mo na lang ako nang basta-basta. Pagkatapos mo akong baliwin. Pagkatapos mo iparanas sa akin kung gaano kasarap at kasaya ang totoong pagmamahal. Iiwan mo na lang ako bigla-bigla sa ere. Chin, ang sakit. Sobrang sakit. Tagos na tagos, eh.” Napaluha na si Shaun sa kanyang dalawang mata. “This is so fucking painful, Chinnie Marie. Why you are doing this to me?”

Napakagat ako sa sarili kong labi dahil nahihirapan akong makita na nasasaktan si Shaun ngayon. Mas nasasaktan ako nang sampung beses dahil nagkakaganito siya. Pero ito kasi ang mas karapat-dapat na mangyari sa aming dalawa. Alam kong isang araw, papasalamatan niya rin ako.

“Shaun, do you really love me?”

Tumingin siya sa akin habang umiiyak. Shaun was crying in front of me.

“I do, Chinnie. I fucking do. I love you so much it fucking damn hurts.”

Umiling-iling ako. “No, Shaun. You aren’t in love with me. You are not afraid to lose me either. You are just afraid to be alone. You just don’t want to be by yourself,” sabi ko. “Nasanay ka kasi sa ideya na palagi akong nasa tabi mo kaya akala mo mahal mo ako. Hindi pagmamahal `yang nararamdaman mo. Kundi obligasyon, right? Pero, Shaun, it’s okay now. We are better off this way.”

“Until now… until now may doubt ka pa rin sa pagmamahal ko sa `yo? Ano pa bang kailangan kong patunayan sa `yo, Chin? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang malaman mo na totoo `tong pagmamahal ko sa `yo? Binibigay ko naman na lahat, eh. Pati sarili ko. Buong-buo pa.”

“Shaun, wala ka nang kailangan patunayan. Okay na ako sa kung anong ibinigay mo sa akin. Alam ko kasing napilitan ka lang na mahalin ako… na akala mo kailangan mo akong mahalin dahil minahal kita at ayaw mo akong masaktan. Shaun, it’s time for you to go back to the girl you love so much.”

I gave him a weak smile then I continued.

“Okay na ako sa sandaling panahon na pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako. Sa ideyang possible palang magkaroon ng tayo. Kung gaano kasarap mahalin ng best friend. Kuntento na ako doon, Shaun. I’m giving back your freedom. Hindi mo na kailangang manatili sa tabi ko dahil bumalik na naman siya. Bumalik naman na si Mandy.”

“Mandy na naman?” mapakla niyang sagot. “How many times do I need to tell you that I’m done with her already? Matagal na akong tapos sa kanya, Chin. Ikaw na ang mahal ko ngayon.”

“I still have. I still fucking do, Arjon. I still have feelings for her.”

“Dahil sa mga sinabi niya, nagdadalawang-isip na ako sa amin ni Chinnie ngayon. Naisip ko na… na tama ba ang ginawa ko na maging kami ni Chinnie? Na mali ba na minahal ko rin siya more than best friends? Na mahal ko rin ba talaga siya? O baka natatakot lang talaga ako na mawala siya sa tabi ko? Was this just a mere obligation right from the start?”

Kung hindi ko narinig ang usapan nila ni Arjon, maniniwala ako sa kanya. Pero alam ko na ang katotohanan ngayon. Alam na alam ko na kaya alam kong tama `tong ginagawa ko.

“Can’t you see it, Shaun? You are still into her. Hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumilipas. Siya pa rin, Shaun. Siya pa rin ang mahal mo. You keep saying you are already over her. That you are already done with her. But your actions say otherwise.”

Nangilid ang mga luha ko saka ako napaluha.

“Shaun, masakit, eh. Sobrang sakit kasi. Na tuwing nakatingin ako sa mga mata mo ngayon, hindi sarili ko ang nakikita ko kundi siya. Siya ang nasa mga mata mo. Siya ang hinahanap mo. Siya ang gusto mong makita. Siya ang gusto mong kasama,” sabi ko. “That’s why I’m giving back your freedom. Pwede ka nang bumalik sa kanya. Sa babaeng totoo mong minamahal.”

“Anong alam mo sa nararamdaman ko?” mapakla niyang tanong.

“Alam ko, Shaun. Alam ko at alam natin pareho ang totoo,” tugon ko. “Hindi mo na kailangang makulong sa isang relasyon na obligasyon lang ang tingin mo kaya ka napunta doon.” Tumingin ako sa kanya. “Shaun, kung totoong mahal mo ako. Bakit? Bakit mo ako mahal?”

Napalunok si Shaun. Napatitig siya sa akin. Halatang nag-iisip.

Hanggang sa mapailing-iling siya.

“I don’t know, Chin. I just love you. Hindi pa ba sapat na rason `yon?”

Ako naman ang napailing. “It’s not enough because what you really feel isn’t love at all.”

Humawak ako sa harang at tumingin sa malayo. Binaling ko ang tingin ko sa Taal Lake. Kung saan sobrang ganda ng tanawin pero hindi ko ma-appreciate dahil sa sobrang sakit ng usapan namin ni Shaun ngayon. Magiging memorable pala `tong place na `to sa akin. Sa aming dalawa.

Dahil sa napakagandang lugar na `to natapos ang kwento naming dalawa na hindi dapat sinimulan.

“Shaun, ever since we were kids, you were too nice to me. Palagi mo akong inaalagaan. Palagi mo akong iniingatan. Palaging inuuna ang gusto ko. Palaging walang ibang gusto kundi ang kaligayahan ko. Kaya sa tingin mo, kailangan mo rin ako mahalin. Dahil lang mahal kita. You found out that you hurt me so many times without even knowing it. Kaya akala mo, kailangan mo rin akong mahalin.”

Hinawi ko ang buhok ko dahil biglang humangin nang malakas.

Nang mapatingin ako kay Shaun, titig na titig siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkawasak sa mga mata niya. Malamang parehas kami ng emosyon na makikita sa mga mata ngayon.

“It’s okay now, Shaun.” Ngumiti ako. “I’m already contented with just being your best friend. Natanggap ko na sa sarili ko na hindi tayo katulad sa mga kwentong nababasa ko sa mga libro. Mga mag-best friend na hanggang dulo ay nagkakatuluyan. We are living in reality, where the truths are much more painful. Nasa reyalidad tayo nabubuhay na… na hindi maaaring tayo hanggang dulo.”

Tinuon din ni Shaun ang paningin niya sa Taal Lake.

“Ever since I was young, I thought we were going to be best friends. To be honest, Chin. I prefer it that way. Sa ganoong paraan kasi, walang hiwalayan. Walang iwanan. Kumbaga, hanggang mamatay tayong dalawa, pwede tayong magkasama. Then I found out na mahal mo ako. Too many risks. Too many what ifs. But I fucking gambled anyway. Nagsugal ako kasi alam kong mahal din kita.”

Shaun looked at me. He was teary-eyed again.

“Pero may tanong ako, Chin,” sabi niya. “Did you regret loving me? Kasi ako, wala akong pinagsisisihan. Wala akong regret mula nang minahal kita nang lubusan. Ang dami kong first time na naranasan mula nang mahalin kita. First time kong ma-excite sa umaga dahil mukha mo ang una kong makikita. O sa gabi, dahil mukha mo ang huli kong masisilayan. First time kong isipin ang future. Kung saan kasama kita. Kung saan magkasama tayong dalawa habang tumatanda.”

Umiling ako. “I didn’t regret loving you, Shaun,” sagot ko na bukal sa loob.

Dahil `yon ang totoo. Kahit ilang beses niya akong sinaktan, hindi ko pinagsisisihan na minahal ko ang best friend ko. Na nagmahalan kaming dalawa kahit na pakiramdam ko, parang obligasyon lang ang lahat ng iyon. Naging masaya naman ako kahit papaano kaya wala dapat akong pagsisihan.

Muli na namang tumulo ang mga luha ni Shaun.

“I’m okay with that,” sagot niya saka ngumiti. “If this is what you want, I’m fine with it. I’m setting you free, Chin. I’m letting you go. This is fucking hard but I’m willing to endure the pain.”

Napatitig ako kay Shaun at naramdaman kong naluha na naman ako.

Hanggang sa lumapit si Shaun, saka ako niyakap nang mahigpit. Sobrang higpit. Na para bang ito na ang huling yakap na gagawin namin sa isa’t isa. Niyakap niya ako na para bang natatakot siyang pakawalan ako. Na mawala ako sa paningin niya. I felt really comfortable.

“God,” pagsasalita niya habang nakayakap sa akin. “This is really my home.”

And because of that, I cried even more. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Shaun.

Me, too, Shaun. Me, too. This is really my home, too. In your arms.

“Chin? Shaun?”

Pinakawalan ako ni Shaun mula sa pagkakayakap niya nang parehas kaming may marinig na boses. Lumingon kami sa gilid namin at nakita namin si Mandy na nakatingin sa amin at naguguluhan.

“Mandy? What are you doing here?” gulat na tanong ni Shaun.

“Chinnie, texted me. She said we are gonna talk,” sabi niya. “Hindi ko alam na `andito ka rin.”

Tumingin sa akin si Shaun.“What’s this?”

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. “This is where you gonna continue the love you’ve lost along time ago,” tugon ko. “Huwag mo nang hintayin na mawala siya ulit sa `yo, Shaun. Okay? Be man enough. Fight for what you love. Fight for her and never let her go this time.”

Naglakad ako papunta kay Mandy habang nakatingin lang si Shaun sa akin.

“Mandy, please, ingatan mo na this time si Shaun,” sabi ko kay Mandy at ngumiti. “Ingatan mo na this time ang best friend ko. Huwag mo na ulit siyang iiwan.”

Naglakad na ako at iniwan silang dalawa na nakatayo. Hanggang sa tinawag ako ni Shaun.

“Saan ka pupunta, Chin?” naguguluhan niyang tanong.

“Uuwi na,” sagot ko. “Maiwan ka diyan at mag-usap kayo. Balitaan mo ako after, okay? Bye, Shaun!” Kumaway-kaway pa ako sa kanya.

Pagtalikod ko at paghakbang nang ilang beses, sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko. Mga luhang dulot nang pagpapalaya ko kay Shaun. Ang hirap palayain ang taong mahal mo lalo na’t gustong-gusto mo siyang makasama. Pero ito ang kailangan kong gawin. Ito ang tama.

This is the most painful thing when you fall in love with your best friend. When you lose him, you don’t only lose the one you love. You also lose your best friend along the way.

Nagmadali na ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako sa bus. Ayoko kasing bigla akong habulin ni Shaun at makitang umiiyak ako.

Mabuti na lang walang masyadong pasahero ang bus. Sa bandang likuran ako umupo para makaiyak ako nang todo. Ang weird tuloy ng tingin sa akin ng kondoktor.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Nagising na lang ako nang tumatawag na ang kondoktor kung saan ako mismo bababa.

Nang makababa ako sa bus, malungkot akong napangiti sa sarili ko. Kahit nawala sa akin si Shaun, at least napunta naman siya sa babaeng alam kong mamahalin siya nang sobra-sobra. Mapupunta uli si Shaun sa babaeng una niyang minahal. Somehow, I’m fine with that.

Pagbalik ko ng condo, kinuha ko na ang maleta ko. Mga maletang pinaglalagyan ng lahat ng mga gamit ko. Hindi ko na kailangang manatili rito. Hindi ako makakausad kay Shaun kung nandito pa rin ako. Masasaktan lang ako. Hindi ako makakapag move-on sa kanya kung palagi ko siya makikita.

Saka, pangit na `andito pa rin ako lalo na’t magiging sila na ulit ni Mandy. Ang awkward n’on dahil mag-ex na kami ni Shaun. Bigla akong natawa. Totoo bang mag-ex na kami ngayon?

Bago ako umalis ng condo ni Shaun, sinulat ko muna sa isang papel lahat-lahat ng totoo kong nararamdaman ngayon. Kung gaano ako kasiya sa maikling panahon na naging kami. Kung saan sobra akong nasaktan. Ngayon ko aaminin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Duwag kasi ako dahil hindi ko `to masabi mismo sa harap niya. Kaya isusulat ko na lang.

Nang matapos kong isulat ang totoo kong nararamdaman, iniwan ko ang letter sa ibabaw ng dining table. Saka na ako nagmadali maglakad palabas at sumakay ng taxi.

Baka kasi maabutan lang ako ni Shaun, eh. Pero imposible na maabutan niya ako dahil sigurado akong nandoon pa rin sila ni Mandy sa lugar kung saan ko sila iniwan. Baka nang mga oras na `to, nagkabalikan na sila. Silang dalawa na ulit. Bukas, maraming matutuwa sa school.

Nagpahatid ako sa terminal ng bus kung saan ang byahe pauwi sa amin. Uuwi muna ako kina Mama at doon muna ako. Hindi muna ako papasok. Kailangan kong magpahinga sa lahat ng nararanasan ko ngayon. Dahil baka bigla na lang akong mag-mental breakdown.

Nang makasakay na ako ng bus, itinext ko si Mama na pauwi ako ngayon. Nag-reply siya na bakit daw biglaan pero sinabi ko miss na miss ko lang sila.

Pinatay ko lang ang cell phone ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Bigla kasing tumawag si Shaun. Hindi pa ako handa na marinig ang ibabalita niya. Na nagkabalikan na silang dalawa. Masyado na akong nasaktan ngayong araw. Hindi ko na kaya kung may dadagdag na sakit pa.

Binuksan ko lang uli ang cell phone ko para itext si Mama na after four hours ay puntahan na ako sa terminal ng bus para sundin. Mahirap kasi ang sakayan sa amin kaya kailangan kong magpasundo. Nagsinungaling ako na low battery na ako kaya hindi ko sila mate-text. Pero ang totoo, pinatay ko lang ang cell phone ko para hindi ako matawagan ni Shaun.

Dumating na ang bus nang eksaktong eight PM ng gabi sa terminal. Agad kong nakita ang jeep na pinapasada ni Papa na naka-park sa gilid ng terminal.

Lumakad agad ako palapit sa kanila. Naabutan ko si Mama na nakasakay habang si Papa naman ay nakatayo lang sa gilid ng jeep niya at hawak ang cell phone.

“`Ma! `Pa!” pagtawag ko sa kanilang dalawa.

Sabay napatingin sina Mama at Papa sa akin. Nang makita ako ni Mama, bigla siyang bumaba ng jeep at patakbo na pumunta sa kinatatayuan ko. Binitiwan ko ang bitbit kong maleta.

Sinalubong ako ni Mama nang mahigpit na yakap. Isang klase ng yakap niya na matagal ko nang na-miss. Matagal na gusto ko uling maranasan. Ang saya lang dahil muli akong nayakap ni Mama.

“ Jusko, `nak. Bakit biglaan naman ang pag-uwi mo?” natatawa niyang tanong sa akin.

Pero hindi ko nagawang sumagot dahil bigla na naman akong napahagulhol habang yakap-yakap pa rin ako ni Mama. Pakiramdam ko, bigla akong nanghina. Naging isang mahina. Naging isang bata na nagsusumbong sa nanay niya. Lalo kong naramdaman na humigpit ang pagkakayap ni Mama.

“Sssshhh,” pagpapatahan ni Mama sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. “Hindi mo na kailangan magpanggap na malakas ngayon, `nak. `Andito na ako. May kakampi ka na.”

At dahil sa sinabi ni Mama, lalo akong naiyak.

Naging mahina na naman ako. Naging iyakin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.