Chapter 8
Chapter 8
R OMANO groaned. Kung tinarakan siya nito ng punyal sa dibdib ay baka hindi pa niya gaanong daramdamin. But these are the consequences he had to suffer. He stared at her for a long while. Nagkamali siya. Isang napakalaking pagkakamali. Hindi minsan man nawala sa puso at isip niya si Bobbie. Ang inaakala niyang pagtataksil nito ay nagdulot ng matinding sakit sa damdamin niya. Halos ikamatay niya. Kung wala ang responsibilidad niya sa Kristine Steel ay baka hindi niya nakayanan.
Sa unang mga buwan ay tila siya buhay na patay. Humihinga lamang dahil kinakailangan. Ilang daang beses niyang dinampot ang telepono at tawagan ito upang muli ring ibagsak sa cradle. Hindi miminsang dumating sa punto na ninais niyang sundan ang asawa sa Pilipinas. Kalimutan ang pride, ang sama ng loob, ang galit.
Nais niya itong patawarin sa inaakala niyang ginawa nitong pagtataksil. Nais niyang limutin iyon at angkinin ang batang inakala niyang bunga ng kataksilan nito. Dahil hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. Ang bata ay sagot sa malaking suliranin niya sa kanilang dalawa ni Bobbie. Hindi kailangan ng mga magulang niya… ng pamilya niya. Pero ang kaisipang may ibang lalaking nakipagtalik sa asawa niya ay sapat upang ang lahat ng matitinong pangangatwiran ay maglaho sa isip niya. Ang matinding panibugho ay pumapatay sa kanya.
H anggang sa unti-unti ay nakaya niyang pakibagayan ang paghihiwalay nila ni Bobbie. Though for years now, he’d tried to locate her, to know her whereabouts. Kung ano na ang nangyari dito. Kung nagkaasawa ba itong muli. Kurt was a very resourceful man. Nang wala ito kaagad maibigay na resulta sa kanya ay ganoon na lang ang takot na namahay sa dibdib niya. She could be dead or what.
Ngayon ay inasam niyang sana’y ginawa niya ang dapat gawin noon pa man. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.
“Bobbie, listen,” he said after awhile. “Ikaw na rin ang nagsabing ako pa rin ang Romano na nakilala ko. Na handa kong gawin ang lahat ng bagay mapasaakin lamang ang gusto ko. I am a ruthless man in the business world, darling. Tangay ko marahil ang ugaling itinuro sa akin ng aking pamilya upang mapanatili ang kompanyang pinaghirapan ng aming nunong si Leon…”
“Saan patungo ang usapang ito, Romano?”
He sighed. “Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi mo iisiping magagawa ko, Bobbie. Blackmail for one. You know Uncle Nick hasn’t signed the documents yet. Bukas pa ang dating niya mula sa Las Vegas—”
Napatayo si Bobbie. Sindak na napatitig sa kanya. “Hindi mo magagawa iyan, Romano!”
Tumango siya. “No, I won’t do it, Bobbie. I am only stressing a point. Na kaya kong gawin ang ano mang paraan upang mabawi ko kayong mag-ina. Kaya kong hingin sa korte na sa akin mapupunta ang custody ni Troy—”
Nanlaki ang mga mata nito. Nagsisimula ng gumitaw sa isip ang kung ano-anong eksena. Hinawakan ito ni Romano sa kamay, sinisikap na ipalagay ang damdamin niya.
“I won’t do that, too, Bobbie. Isa lamang punto na gusto kong patunayan sa iyo. As many people know, hindi ligtas ang aking pamilya sa ano mang panganib mula sa masasamang tao. May mga patunay sa bagay na iyan. Dahilan upang mahimok ko na ibigay sa akin ng korte na ipagkaloob sa akin ang custody sa aking anak…”
Gusto ni Romano na sipain ang sarili sa nakikita niyang paghahahalili ng takot at galit sa mukha ni Bobbie. Takot para sa anak nito na baka mawala ito rito. Galit para sa kanya.
“What do you want?” tanong nito sa nanginginig na tinig.
“You and Troy. Back to me.”
“No.”
Umangat ang mga kilay niya. “No, Bobbie?”
“Why are you doing this? You don’t need us.”
“That is where you are wrong, my dear. I need you and Troy. So much you can’t even begin to know.” Puno ng emosyon ang tinig nito.
BOBBIE wanted to hate Romano. Kung ang kaisipang posible nitong maihinto ang negosasyon sa pagitan ng ADI at ng Gascon Internationl ay baka mamuo ang poot sa dibdib niya. Dahil maapektuhan niyon ang kaligayahan ng ina at ni Kendal.
Subalit hindi poot ang namahay sa dibdib niya kundi takot. Matinding takot para kay Troy. Dahil walang kahirap-hirap na magagawa ni Romano na mapunta rito ang anak. And then what would happen to Troy? Hahanapin siya ng anak niya. At siya, kaya ba niyang matulog nang wala ito sa tabi niya?
Kaya ba niya ang minsanan sa isang linggong pakikipagkita sa anak? Troy would be sent to expensive schools. Sa ibang bahagi ng mundo kung saan posibleng taunan kung madadalaw niya. Lalaki si Troy na wala siya. At hindi niya kaya iyon. At paano kung masanay si Troy na wala siya sa tabi nito?
A sob came out of her lips.
Worriedly, Romano reached for her hand. Pero iwinaksi niya iyon. “Alam ko kung bakit mo ginagawa ito, Romano…”
“First reason, nais kong mabalik kayong muli sa akin, Bob…”
“Hindi iyan ang dahilan!” Tumigas ang mukha niya. Isa-isang sinabi rito ang tungkol sa kalagayan ni Julia; ang pagiging maysakit nito; ang pagnanais nitong magkaroon ng apong lalaki.
Romano sighed sadly. “I said that was my first reason. Ang ikalawang dahilan ay si Lola Julia, tama ka. Matagal nang maysakit si Lola, Bobbie. Alam ng lahat sa pamilya na iyan ang isa sa mga kahilingan niya. At kung hindi kita nakatagpong muli, sa palagay mo ay mapipigilan niyon ang pagkamatay niya?”
Nalilitong nag-angat siya ng paningin dito. Ang luhang nakabanta ay nanatiling kumikislap sa mga mata niya.
“Kay dali sa aking mag-ampon ng bata, Bobbie. A six-month old baby with brown eyes will suffice. Hindi pa defined ang anyo ng bata sa ganoong edad. But I’d rather see my beloved grandmother die without knowing that there’s no grandson to carry the family name. I may be a lot of things to you, my darling. Pero hindi ko gustong dayain ang matandang labis kong minamahal. Kung may nais man akong ipakitang apo ay ang dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman. At si Troy iyon.”
Bobbie was speechless. May sense ang mga sinasabi nito kung ikukumpara sa sinabi ni Joanna sa kanya bagaman pahiwatig ang malisya. Pero mahusay si Romano sa lahat ng bagay.
“My grandmother’s dying anytime, Bobbie. It matters less if she dies without knowing she has a grandson. Subalit kung ikaliligaya niyang malaman ang tungkol kay Troy ay bakit hindi ko gagawin? Ang makita si Troy ay hindi magdudugtong ng taon sa buhay niya. But I want her to be happy. Na ang sanhi ng kaligayahan niya ay dahil may apo siyang magdadala ng pangalan ni Lolo Ernesto.” Romano’s voice cracked. And Bobbie didn’t think of it as a fake emotion. Alam niya kung gaano kamahal ni Romano ang abuela.
Tumayo si Bobbie. Kumuha ng paper towel sa rack at pinahiran ang mga mata at suminga. Hindi niya gustong tanggapin nang ganoon kadali ang sinasabi ni Romano. Pero bakit niya kailangang patagalin ang lahat kung doon din naman ang tungo ng pasya niya?
Kumuha siya ng coffee grind sa cupboard. Pagkatapos ay isinalang ang coffee maker. She was so tensed that she wanted to keep her hands busy.
“Does that mean ‘yes,’ Bob?”
Suminghot pa rin siya subalit hindi sumasagot. Hindi siya makapaniwalang sa kapirasong mga paliwanag ay heto siya at bumibigay. Pero hindi ba at karapatan naman din ni Troy na makilala ang pamilya ng ama nito? Kung hindi man direktang maipakilala niya si Romano?
Kailan niya itatago sa anak ang tungkol sa ama nito? Soon, malalaman ni Troy iyon. Ano ang magiging damdamin ni Troy kapag nalaman nitong inilayo niya ito sa pamilya nito? The possibility that her son would hate her wasn’t that remote.
“A-ano ang plano mo ngayon?”
Romano smiled triumphantly and Bobbie wanted to kick his handsome face. “Bibiyahe tayo patungong Paso de Blas bukas ng umaga sakay ng private chopper.”
Tumango siya. Nang magsimulang mag-drip ang coffee maker ay umabot siya ng dalawang tasa sa cupboard.
“Nais kong makausap si Troy, Bobbie,” ani Romano, puno ng excitement ang tinig. “Gusto kong malaman ng anak ko na ako ang kanyang ama.”
Nabitiwan ni Bobbie ang isang tasa at bumagsak iyon sa marmol na counter at nabasag. Mabilis na tumayo si Romano at hinawakan siya at ipinaupo. “You are so tensed, Bobbie. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong maging ganyan.”
“Ako ang magsasabi kay Troy sa bahaging iyan, Romano,” she said. If she allowed Romano to tell her son about his father, ang posibilidad na magalit ang anak sa kanya ay naroroon. At hindi niya kaya iyon. “Ano mang paliwanag ay dapat na sa akin magmula.”
“Kung iyon ang gusto mo. Pero gusto kong malaman niyang ako ang kanyang ama.”
Tumango siya. Sandali niyang nalimutan kung ano ang magiging epekto nito kay Troy. Sa pagkakaalam ng anak niya’y wala itong ama. Ngayon, mula sa kung saan ay lumitaw si Romano upang ipakilala ang sarili bilang ama. Napakabata pa ni Troy para maipit sa kanilang dalawa ni Romano.
“He loves Steven…”
“Hindi ako tatanggap ng anumang dahilan, Bobbie,” determinadong wika nito, gumuhit ang panibugho sa dibdib para kay Steven. “Gusto kong malaman ni Troy na ako ang kanyang ama.” h umakbang ito palapit sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinayo. “Babalik ako bukas ng umaga para sunduin kayo. Bago mananghali. Sa Monique Hotel na tayo magtanghalian.”
Tila bakal ang mga kamay nito sa balikat niya. Ang mukha nito ay ilang pulagada lang mula sa mukha niya. She could even smell his warm breath. Unti-unti ang paggapang ng kilabot sa katawan niya.
Gusto niyang itulak ito palayo subalit sa halip ay bahagya niyang itinaas ang mukha at pinanabikan ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.
At hindi siya nabigo. Romano claimed her mouth with so much hunger. Ang mga braso nito ay pumalibot sa katawan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaungol si Bobbie. She was kissing him as fiercely as he was kissing her.
Dahil na lang marahil sa kailangan ng hangin ang mga baga nila kaya siya pinakawalan ni Romano. Sinapo nito ang mukha niya at tinitigan siya. “I missed you, Bob…”
Mabilis siyang kumawala. Hindi siya makapaniwalang tinraydor siya ng katawan niya. Nanghihinang napaupo siyang muli sa binakanteng silya. Her lips still throbbing from his kiss. And if truth be told, she wanted right now more than just a kiss from him.
“Kung ako ang masusunod, darling, gusto ko na kayong isama ngayong oras na ito ni Troy pabalik sa Corinthians. Pero tama ka. Ayokong biglain si Troy.” Yumuko ito at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo. “Huwag kang mag-alala. Nangangako akong magiging maayos ang lahat.”
Matagal nang nakaalis si Romano ay hindi pa rin tumitinag si Bobbie. Walang lakas ang mga tuhod niya para tumayo.
She groaned in desperation. Muli ay nariyan silang dalawa ni Joanna, laging available sa pangangailangan ni Romano. At sa pagkakataong ito ay hindi lang niya ang sarili ang isasaalang-alang. Nariyan si Troy na may karapatang makilala ang sariling ama.
“HEY,” aniya sa anak na naglalaro ng computer. “It’s eight o’clock. Dapat ay natutulog ka na.”
“Hindi ka pa rin natutulog…” sagot nito pero patuloy sa paglalaro sa p lay s tation. “Saka, Mommy, tomorrow’s a Saturday. Walang pasok.”
Huminga siya nang malalim at tinitigan ang anak nang matagal. Nanatili siya sa ganoong ayos nang malinungan siyang muli ni Troy. Kumunot ang noo nito.
“Why are you staring at me, Mom? And why do you look so worried?”
“Because I’m afraid you might hate me.”
Lalo nang lumalim ang kunot ng noo ng bata. “I won’t hate you. Ever. You are my mom and I love you.”
“Promise?”
“Promise.”
“Even if what I am about to tell you is about your father?”
“What about him? Sabi mo nasa Saudi siya at matagal pa ang uwi.”
Napaungol nang lihim si Bobbie. “N-nakauwi na siya.”
Nahinto sa pagpindot sa laruan si Troy at nilingon siya. “Nakauwi na?”
Tumango siya. Sinuri niya ng tingin ang anak. He’s three years old and five months. Pitong buwan nang ipinanganak niya ito. Ang dinidibdib niyang dalamhati marahil sa ginawa ni Romano ang dahilan kaya maaga niya itong ipinanganak. Gayunman, Troy was mature for his age. Matalino. Pero hindi biro ang ipinakikipag-usap niya sa anak ngayon.
“Where is he? Bakit hindi niya tayo pinuntahan?”
“He’ll be here tomorrow.”
Excitement filled his face. “Magkikita na kami?”
“Yes.”
May kumislap sa mga mata nito. “Really?”
“Really.” Puno ng excitement ang nahihimigan niya sa tinig ng anak.
“Then I can tell my classmates that Uncle Steven is really my uncle and that I have a real daddy.” Tumango siya. “Kailan ko siya makikita, Mom?”
“You’ve met him already.”
Namilog ang mga mata nito. “When? Why didn’t you tell me? Why he didn’t tell me he’s my dad?”
“Remember the man who pulled you out from the pool?”
“That was my dad!” he exclaimed. Muli siyang tumango. “Gee! Sabi ni Yaya Lucing magkamukha kami.”
“You think so, too?”
Sandaling gumuhit ang kalituhan sa mukha ni Troy. “I didn’t really give him a close look. But if he’s my dad then dapat kamukha ko siya talaga.”
“Hindi ka galit kasi hindi siya nagpakilala?”
“I’m just glad I have a dad, Mom,” he said and smiled. “Kaya lang worried ako para kay Uncle Steven. He probably thought he’d be my dad.”
She smiled. “Come here, big bear.” Tumayo ang bata mula sa pagkakasalampak sa sahig at lumapit sa kanya. Niyakap niya ito. “Uncle Steven will always be Uncle Steven. And you know he loves you. But a daddy is a daddy. And you know, you have so many uncles and aunts and cousins, too.”
“And lola, too?”
“Yes. And tomorrow, may dalawang lola ka pang makikilala.”
“Wow.”
ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa harap pa rin ng drawing board si Bobbie. Kailangang tapusin niya ang mga panghuling sketches sa interior ng hotel sa La Crouix. Hindi man siya makababalik kaagad sa Caribbean ay matapos man lang niya ang plano.
Pag-alis ni Romano ay tinawagan niyang una ang ina at sinabi rito ang pagsang-ayon sa balak ni Romano. Pagkatapos ay si Kendal who was only too glad na magkakabalikan sila. Romano’s a fine man. Iyon ang sabi ni Kendal at kailangan ni Troy ng ama. She made a wise decision. She groaned helplessly. Hindi niya masabi rito ang totoong sirkumstansiya ng pakikipagbalikan kay Romano.
Kanina pa tulog si Troy at ganoon na lang ang pasasalamat niya na hindi naging mahirap ang pagtatapat niya sa anak. Children were very resilient. At kung ang reaksiyon ni Troy ang pagbabasehan niya ay mas na natuwa pa itong nalamang may ama ito. O dumating na ang ama nito. Her lies were never even questioned.
NAGISING si Bobbie sa mga tinig na naririnig niya mula sa labas. Nakita niyang nakabukas ang pinto ng silid niya at wala na sa tabi niya si Troy. Mabilis siyang bumangon. Sinulyapan ang relo sa side table. Alas-diyes ng umaga! At kilala niya ang tinig na naririnig niyang kausap ng anak.
Sinuklay niya ng kamay ang nakasabog na buhok. Kinuha ang tuwalya at nagpunas ng mukha. Sandali lang sinulyapan ang sarili sa salamin sa tokador at nagmadaling lumabas. Sa sala ay naroroon ang mag-ama. Si Romano ay nakaupo sa pang-isahang sofa at si Troy ay sa mahabang sofa. Sa kusina ay si Yaya Lucing na naghahanda ng almusal.
“Mom!” tawag ni Troy nang matanawan siya.
Tumayo si Romano subalit inawat niya ito at muling isinenyas na maupo. She swallowed. Nag-utos siya ng kape kay Yaya Lucing.
“Anong oras ka dumating?” tanong niya kay Romano.
“Not long. Ten… fifteen minutes ago. Hindi kita gustong gisingin. Alam kong puyat ka.”
“H-have you two—”
“Gising na ako, Mommy, bago pa dumating si… si… Daddy.” Troy smiled sheepishly at Romano. And Romano was looking at his son with rare tenderness on his face. “Gusto ko gising ako kapag dumating siya. Sabi ni Mommy ay darating ang daddy ko ngayon. And you are him.”
Bobbie’s heart went out to her son. Inabot niya ang kape na ibinigay ni Yaya Lucing. The cups and saucer rattled at her hands. Naupo siya sa katapat ni Romano.
“I was about to tell him that I thought he’s dead…”
Napaungol nang pailalim si Bobbie kasabay ng pagpikit ng mga mata.
“Iyan ba ang sinabi sa iyo ng mommy mo?” tanong ni Romano.
Nakatutok nang husto kay Romano ang mga mata ni Troy. “Hindi sinabi ni Mommy iyon. Yaya Lucing guessed your dead.”
“Oh.” n apaungol muli si Bobbie. Sinabi niya kay Romano na sinabi niya kay Troy na patay na ang ama nito.
“Well, your yaya guessed wrong, Troy, because—”
Troy wrinkled his nose. “Anyway, I didn’t believe her,” putol ni Troy na ang excitement sa mukha’y unti-unting gumigitaw. “Are you really my dad?”
Romano smiled tenderly and hesitantly reached for the child. “Come, son, may ipakikita ako sa iyo.”
Mabilis na tumayo si Troy. Si Bobbie, on instinct, ay agad ding tumayo sa pag-aakalang isasama ito ni Romano sa labas.
“Hindi kami lalabas ng silid, sweetheart.” n akangiti si Romano subalit may babala ang tinig. “Papasok kami sa kuwarto mo.” Kinarga nito ang anak at pumasok sa kuwarto nilang mag-ina. Ibinaba ni Bobby ang tasa sa platito nito na nasa coffee table at atubiling sumunod.
Huminto ito sa harap ng malaking salamin sa closet. “Tingnan mo tayong dalawa, Troy, we have the same brown eyes and skin color. Your nose—”
“ i s like yours,” maagap na dugtong ng bata na ngumiti. Sinipat ang ilong ng ama. “But mine is smaller…” Humagikgik ito. Subalit bigla ring napalis ang ngiti at tinitigan ang ama. “Aalis ka uli? Iiwan mo kami uli ni Mommy? Babalik ka sa Saudi?”
radicalducati